WebClick Tracer

Na-stroke daw? Chiz Escudero chill lang kasama si Heart Evangelista

Umugong ang tsismis na sinugod umano at in-airlift pa si Senador Chiz Escudero papuntang St. Luke’s Hospital.

Ito’y matapos na kumalat sa social media na na-stroke umano ang senador nitong Biyernes.

Nag-ugat ito sa isang video ng vlogger na si Maharlika na sinasabing may isa raw senador na ‘inatake ang heart’.

Ngunit sa Instagram live ng kanyang misis na si Heart Evangelista ay makikitang masigla naman ang mambabatas.

Sa video na pinost ni Heart, mapapansin na tila wala namang bakas ng sakit kay Escudero.

Sa katunayan ay nagpapagupit pa ito habang nagpipinta si Heart.

May bago ring post sa Instagram account ni Escudero ilang oras makalipas kumalat ang mga intriga tungkol sa kanyang kalusugan.

Wala pa namang direktang pahayag mula kay Heart o Chiz hinggil sa naturang tsismis na kumakalat sa social media.

TELETABLOID

Follow Abante News on