WebClick Tracer

Taylor Swift pasok sa listahan ng mga bilyonaryo sa buong mundo

Pasok ang American singer-songwriter na si Taylor Swift sa listahan ng mga bilyonaryo sa buong mundo.

Ayon sa Forbes, ang kanyang “Eras Tour” na sumasaklaw sa 152 palabas sa limang kontinente ay nakabuo ng higit sa $1 bilyon na kita.

Sinasabing mayroon nang $1.1 bilyon networth ang 34-anyos na superstar.

Ayon sa Forbes, ang tinantyang bilang ay batay sa halaga ng musika ni Swift, mga kita mula sa kanyang world tour at sa kanyang portfolio ng real estate.

Dagdag pa ng Forbes, ang US country-turned-pop singer ay ang tanging musikero na kumita ng limpak-limpak na salapi mula sa kanyang mga kanta at pagtatanghal lamang. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on