WebClick Tracer

Taipei niyanig ng malakas na lindol, PHIVOLCS naglabas ng tsunami warning

Isang magnitude 7.2 na lindol ang tumama sa Taipei, ang kabisera ng Taiwan, nitong Miyerkoles ng umaga.

Dahil sa malakas na lindol, nawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng lungsod.

Samantala, isang tsunami warning naman ang inilabas na sumasaklaw sa apat na lugar sa northern Luzon kasunod ng malakas na lindol na tumama sa Taiwan, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa PHIVOLCS, nakataas ang tsunami warning sa Batanes Group of Islands, Cagayan, llocos Norte at Isabela. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on