WebClick Tracer

PVL: Choco Mucho giniba Galeries Tower

Balik sa taas ng liga ang Choco Mucho Flying Titans matapos talunin ang Galeries Tower Highrisers, 25-13, 25-19, 25-17, sa PhilSports Arena noong Martes.

Tabla na ang Flying Titans sa Creamline at PLDT na may record na 6-1 sa taas ng 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference.

Hindi kinaya ng Galeries ang firepower ng Choco Mucho na pinangunahan ni Cherry Nunag na nagtala ng 12 points sa 7 na atake, 2 block, at 3 ace.

Tinulungan si Cherry nina Sisi Rondina at Royse Tubino habang hindi pa rin naglalaro si Kat Tolentino na nanggaling sa sakit noong huli nilang laban.

Bumagsak ang Highrisers sa 8th kasama ang Akari na may record na 2-5.

Parehong koponan ay maglalaban sa Sabado sa Sta. Rosa Sports Complex kung saan haharap ang Galeries sa Akari habang ang Choco Mucho ay tatapat sa Capital1. (Miguel Dumlao)

TELETABLOID

Follow Abante News on