WebClick Tracer

May pa-soft launch? Ruffa binati si Barbie na nali-link kay Richard

Usap-usapan ngayon ang komento ni Ruffa Gutierrez sa larawan ng nali-link sa kapatid niyang si Richard Gutierrez na si Barbie Imperial.

Hindi ito napalampas ng mga netizen at sinabing baka pa-soft launch na ito ng relasyon ng dalawa.

Sa latest Instagram post ni Barbie nagkomento si Ruffa.

Ang larawan ay iniintriga rin dahil tila nasa iisang lugar lamang daw sila ni Richard noong Holy Week.

Ani Barbie sa post, “happy easter”

Napa-comment naman si Ruffa, “Fresh!! 💫💫”

Hindi naman maitago ng mga netizen ang kanilang pagka-mosang at napa-comment sa sinabi ni Ruffa.

“pa soft reveal pa lang daw muna..”

“ ayyy may pa comment na siya oh😬✌”

“supportive sister 👀”

Unang napabalitang mag-dyowa sina Barbie at Richard nang maispatan sila sa isang bar.

Matatandaan na hiwalay na si Richard sa dating asawang si Sarah Lahbati na iniintrigang may bago na rin. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on