WebClick Tracer

Manila City Jail inilunsad 2 livelihood projects

Naglunsad ang Manila City Jail Male Dorm ng dalawang bagong proyekto na nagbibigay ng sustainable livelihood opportunities para sa mga dating Persons Deprived of Liberty (PDL).

Ang unang proyekto, ang ‘Kariton ng Bagong Buhay at Pag-asa’, ay nagbibigay ng kariton o mga food cart na gawa ng kasalukuyang mga bilanggo. Tatlong dating bilanggo ang binigyan ng kariton na may mga kagamitan sa pagluluto at mga sangkap na magagamit nila upang magsimulang magbenta ng pagkain.

Habang ang isa pang proyekto ay ang ‘Padyak para sa Pagbabago’. Layunin nitong suportahan ang kabuhayan ng mga kasalukuyan at dating mga bilanggo.

Ang mga proyekto ay nakahanay sa programang ‘Kalinga sa Maynila’ ng Maynila, na sumusuporta sa mga Manileño sa pagiging mas produktibo at responsableng mga mamamayan. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on