WebClick Tracer

Dahil sa mga puno ng niyog? Richard Gutierrez, Barbie Imperial iniintrigang magkasama

How true kaya ang tsikang magkasamang nagbakasyon sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez noong Holy Week?

Sa linaw ng mata ng mga netizen, napansin nilang tila nasa iisang lugar lang ang dalawa dahil sa mga puno ng niyog.

Sa Instagram ni Richard, nagbahagi siya ng isang drone shot na makikita ang dagat at nagtatayugang puno ng niyog.

Sa mga larawan namang ibinahagi ni Barbie sa kanyang Instagram account, makikitang may hawak siyang buko na ang makikitang background ay mga niyog.

Kaya naman sey ng mga netizen ay magkasama ang dalawa.

“may nakita ako post ., nasa coconut trees area din 😂”

“Dito yan sa lugar namin & yes magkasama sila hayaan niyo na wala naman tayong mapapala sa kanila hahaha”

“D halata magkasama sila ni Barbie😹”

“Same background sila ni barbie. What a coincidence. Char”

“Baka nagtago makikita sa Video, magaling pa naman ang netizen mag imbestiga😅”

“Magkasama cla ni barbie?”

“@msbarbieimperial pagbilang ko’ng sampu nakatago ka na🥲”

Kapansin-pansin din na halos sabay pa nag-upload ang dalawa.

Matatandaan na naintriga sina Barbie at Richard nang maispatan sila sa insang bar. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on