WebClick Tracer

Babu na sa NBA: Rajon Rondo nagretiro na

Inanunsyo ng beteranong point guard na si Rajon Rondo ang kaniyang pagreretiro matapos ang 16 NBA seasons.

Si Rondo ay hindi pumirma noong 2022-23 at 2023-24 season, na nagpapakitang tapos na ang kaniyang karera sa paglalaro.

Minsang itinuring na isa sa mga magagaling na point guard ng NBA si Rondo noong siya ay nasa Boston Celtics mula 2006-07 hanggang 2014-15. Malaki rin ang itinulong ni Rondo sa Celtics nang manalo ng NBA championship noong 2008 laban sa Lakers.

Sa 527 regular season games kasama ang Celtics, may average si Rondo na 11.0 puntos, 8.5 assists, 4.7 rebounds at 1.9 steals. Matapos ang paglalaro sa Celtics, nagpalipat-lipat na ito ng koponan.

Ngunit noong 2019-20 season, tinulungan niya ang Lakers na manalo ng kampeonato, na may average na 8.9 puntos, 6.6 assists, 4.3 rebounds at 1.4 steals. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on