WebClick Tracer

Approval ratings ni PBBM, VP Sara bumagsak

Bumagsak ang approval ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Sa PAHAYAG 2024 First Quarter survey, ang North-Central Luzon, ang baluarte ni PBBM, ay bumagsak ang approval rating mula 62% hanggang 52%, sa South Luzon mula 55% hanggang 43%. Bumaba rin ang Visayas mula 57% hanggang 40% at ang Mindanao ay bumagsak mula 62% hanggang 36%.

Samantala, ang pagbaba ni Duterte ay sanhi ng mga sumusunod na lugar: South Luzon mula 51% hanggang 40%, North-Central Luzon mula 56% hanggang 47% at ang National Capital Region (NCR) mula 52% hanggang 47%. Naitala rin ng NCR ang pinakamataas na disapproval rating na 34%.

Ang PAHAYAG 2024 First Quarter (PQ1-2024), na isinagawa ng PUBLiCUS Asia Inc., ay isang independent at non-commissioned survey. Ang panahon ng survey ay mula Marso 14 hanggang 18, 2024.

TELETABLOID

Follow Abante News on