WebClick Tracer

Alden Richards super close kay Kathryn Bernardo

Muling naispatan na magkasama si Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Sa isang video sa X, makikita na nagpi-picture ang dalawa at kapansin-pansin ang pagiging close ni Alden sa aktres.

May payakap din si Alden para kay Kathryn habang sila ay kinukuhanan ng larawan.

Matapos mapanood ang nasabing video, matinding kilig ang naramdaman ng mga netizen.

“Diko alam pero everytime nakikita sina alden at kathryn na magkasama natutuwa ako, sobrang kinikilig ako sa kanila.”

“Grabeee yung hawak at yakap alden you deserve kath.”

“Layagg na layag talaga silaaaa.”

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on