WebClick Tracer

Teodoro sa mga Pinoy: Huwag kalimutan mga iligal na gawain ng China sa WPS

Pinaalalahanan ng Department of National Defense (DND) nitong Martes ang mga Pilipino na huwag kalimutan ang mga iligal na aktibidad ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ito’y dahil sa umiinit na mga debate sa tinaguriang “gentleman’s agreement” ng umano’y dating administrasyon sa China.

“While we realize that accountability is important in the issue on whether or not a so-called ‘gentleman’s agreement’ was forged with China regarding the BRP Sierra Madre and Ayungin Shoal, we Filipinos must not lose sight of the fact that the main threat to our rights in the WPS is the Chinese government’s illegal activities,” pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., sa isang open letter.

Sinabi rin niyang huwag mahulog ang mga Pilipino sa bitag na aniya’y Chinese propaganda upang mawala ang atensiyon sa patuloy na paggawa ng China ng illegal activities sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

“Let us not fall into the trap set by Chinese propaganda of refocusing the debate on a so-called promise while deflecting attention away from China’s government, thereby freeing and allowing them to continue with their illegal activities in our EEZ,” saad pa ng DND chief. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on