WebClick Tracer

Smartphone, tablet bawal sa 2024 Shari’Ah Bar exams – SC

Ipinaalala ng Supreme Court na ipinagbabawal sa 2024 Shari’ah Bar examinations (SBE) ang mga smartphone at tablet.

Sa isang bar bulletin, sinabi ng Office of the 2024 Shari’ah Bar Chairperson na lahat ng examinees ay kailangang magdala ng laptop para sa dalawang araw na eksaminasyon.

“Examinees are requested to refrain from bringing and using external gadgets and computer accessories because the allotted desk space is sufficient for only one laptop,” saad pa nito.

Isang computer-based program din ang ilalagay sa laptop ng mga examinee upang makapag-exam.

Pinayuhan din ang mga ito na i-uninstall ang lahat ng hindi kinakailangang software at patayin ang automatic system update para maiwasan ang mga technical issue.

Nakatakdang ang SBE sa Abril 28 at Mayo 2.

TELETABLOID

Follow Abante News on