WebClick Tracer

Same-sex couple pinabibigyan ng karapatan sa ari-arian

Itinulak sa Kamara de Representantes ang isang panukala upang magkaroon ng karapatan na magkaroon ng ari-arian ang mga same-sex couple.

Ayon kay OFW party-list Rep. Marissa Magsino sa ilalim ng kanyang House Bill 10206 ay bibigyan ng karapatan ang same-sex couple na bumili, magmay-ari at magbenta ng mga ari-arian.

“Though through the years there has been change in the mindset of people on long-standing stereotypes and generalizations with social perceptions becoming more accommodating of the LGBTQ+ community, there’s still no legislation that guarantees equal rights for everybody regardless of sexual orientation or gender identity,” sabi ni Magsino.

Kasama sa HB 10206 ang paglilinaw kaugnay ng mga usapin ng pangungutang, regalo, at kung ano ang magiging hatian kapag naghiwalay ang same-sex couple.

“This legislation is a significant step towards achieving greater equality and justice for all Filipino citizens, regardless of their sexual orientation or gender identity. It is imperative that we ensure equal protection under the law for every individual in our society,” dagdad pa ni Magsino.

Nanawagan si Magsino sa kanyang mga kasama sa Kamara na suportahan ang panukala. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on