WebClick Tracer

PLDT minadali Akari Chargers, tabla na sa tuktok

Patuloy ang mabilis na pagharabas ng PLDT High Speed Hitters sa 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference nang talunin ang Akari Chargers, 25-17, 25-20, 25-19.

Ito ay para sa kanilang pang-apat na pangsunod na panalo sa PhilSports Arena noong Martes.

Pinakita ng PLDT ang lalim ng kanilang lalim kontra sa palaban na Akari na pinangunahan ni Majoy Baron na nagtala ng 13 points sa walong atake, 2 blocks, at 3 aces.

Tabla na ang High Speed Hitters sa fan favorites na Creamline Cool Smashers na may 6-1 na record.

Mukhang matutuloy ang win streak ng PLDT kontra sa kulelat na Strong Group Athletics sa April 9 sa parehong venue.

Ang Akari naman may magandang pagkakataon bumalik sa pagkapanalo kontra Galeries Tower sa April 6 sa Sta. Rosa Sports Complex. (Miguel Dumlao)

TELETABLOID

Follow Abante News on