WebClick Tracer

Pimentel pinuri maayos na labor condition ng mga OFW sa UAE

Pinuri ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE), sa ilalim ng pamumuno ni His Highness Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan, dahil sa makabuluhang hakbang sa pagpapahusay ng kalagayan sa paggawa ng mga foreign worker doon.

Partikular na binanggit ni Pimentel ang pagbaba ng bilang ng mga tumakas mga maid ngayong taon kabilang ang mga Filipino domestic worker sa UAE.

“It is encouraging to witness such positive developments, indicating tangible progress in the welfare of foreign workers in the UAE,” pahayag ni Pimentel.

“The efforts undertaken by the UAE government, alongside the close cooperation with our very hardworking labor attachés, demonstrate a commitment to ensuring the protection and rights of all workers,” dagdag pa niya.

Ikinatuwa rin ni Pimentel ang inisyung direktiba ng UAE government na nag-aatas na magkaroon ng compulsory health insurance scheme ang lahat ng private sector employees at domestic workers. Epektibo sa 2025, obligado ang mga employer na magbigay ng health coverage para sa kanilang registered workers kapag nabigyan naisyuhan na ng residency permits.

“This action demonstrates a proactive stance toward enhancing the welfare of workers and emphasizes the UAE’s dedication to fair employment standards,” saad ni Pimentel.

Batay sa mga datos, ang UAE ang pangalawang pinakamalaking populasyon ng mga OFW sa Middle East.

Si Pimentel ang may-akda ng Senate Bill No. 2556 na naglalayong ideklara ang Agosto 19 ng bawat taon bilang paggunita ng Philippines-United Arab Emirates Friendship Day.

“The Philippines and the UAE share a deep-rooted friendship, characterized by mutual respect, cooperation, and shared values,” sabi pa ng minority leader. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on