WebClick Tracer

PCG narekober bangkay ng mangingisdang nalunod sa Davao Oriental

Narekober na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bangkay ng mangingisdang nalunod sa karagatang sakop ng Mati City sa Davao Oriental nitong weekend.

Ayon sa pahayag ng PCG nitong Martes, nalunod ang biktima sa isang fishing expedition sa baybayin ng Barangay Dawan patungo sa fish cage kasama ang kanyang asawa at anak noong Black Saturday.

Sinabi ng asawa ng biktima na tumalon umano siya sa tubig at nabigong makuha ang kanyang hindi secured na bangka mula sa pagkaanod dahil sa malakas na hangin at agos. Sa kasamaang palad, hindi siya nakabalik sa dahil sa masamang kondisyon ng panahon.

Naibalik na sa pamilya ng biktima ang bangkay nito. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on