WebClick Tracer

Para makatipid ng tubig, gumamit ng tabo, timba – TF El Niño

Inirekomenda ng Task Force (TF) El Niño sa publiko na gumamit ng timba at tabo sa paliligo at pagbuhos sa inidoro para makatipid ng tubig sa halip na shower at bidet.

Sa isang panayam kay Presidential Communications Office Assistant Secretary at Task Force El Niño Spokesperson Joey Villarama, mas makakatipid ng tubig kung gagamit ng timba at tabo sa paliligo sa halip na shower.

Isa aniyang praktikal na paraan ito lalo na sa mga panahong ito kung saan hinihikayat ang publiko na magtipid ng tubig dahil sa nararanasang tagtuyot.

Sinabi ni Villarama sa kasama rin sa isang paraan ng pagtitipid ay hindi palaging pag-flush ng inidoro lalo na kung iihi lang naman.

“Dahil Pilipino tayo nasa kultura po natin yung gumamit ng tabo. Gumamit tayo ng tabo sa ating pagligo. Ako po natuklasan ko, nu’ng panahon na nag-aaral pa ako, kasya po ang isang baldeng tubig sa pagligo, so gumamit ng balde, gumamit ng tabo para po tayo lahat makatulong sa pagtitipid at pag-conserve ng ating water resources,” ani Villarama.

Nagdeklara na ang Cebu City at Zamboanga City ng krisis sa tubig dahil sa patuloy na pag-init ng panahon kung saan nagsabay pa ang El Nino phenomenon at panahon ng tag-araw.

Pero sinabi ni Villaramana na hindi pa umaabot sa critical level ang antas ng tubig sa Angat Dam kaya walang dapat na ipangamba ang mga taga-Metro Manila na matulad ang National Capital Region sa Cebu City at Zamboanga City.

“Hindi pa po tayo humahantong sa critical level sa Metro Manila and as I said, mayroon pong contingency measures na dapat nating i-factor in sa mga susunod na linggo,” dagdag ni Villarama

TELETABLOID

Follow Abante News on