WebClick Tracer

Para kay Cristy Fermin? Vice Ganda maglalabas ng kantang ‘Bwak Bwak Bwak’

Maglalabas daw ng kantang may title na “Bwak Bwak Bwak” ang TV host-comedian na si Vice Ganda.

Sa April 1 episode ng “It’s Showtime”, binanggit niyang dahil sa pagkabagot niya noong Holy Week ay nakagawa siya ng kanta.

“Ang title nito ay ‘Bwak, Bwak, Bwak’. Abangan n’yo po… Nakakatawa ‘yung kanta. Bwak bwak bwak!” chika ni Vice.

“Humanda ka! May kanta ako. Bwak, bwak bwak! Manggigigil ka!” dagdag pa niya.

Matatandaang ang “Bwak, Bwak, Bwak” ang ginagamit ni Vice na pang-aasar kapag may inilalabas na kuwento o patutsada tungkol sa kanya ang showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Nito lamang ay naglabas si Vice ng litrato ng dalawang kakaibang nilalang matapos tila palabasin ni Cristy na sipsip siya sa GMA 7 at pinagdiinan ding mayabang siya kahit noong nagsisimula pa lamang sa comedy bar.

Ito’y matapos mapag-usapan nina Cristy at Romel Chika ang paglipat ng “It’s Showtime” sa GMA 7 sa isang episode ng “Cristy Ferminute”.

“Nanggigigil ako! Pinagpapala na naman sya! Kumilos tyo! Daliiiiii!” saad ng isang nilalang sa post ni Vice.

Sagot naman ng isa, “Dating gawi ‘Nay siraan natin sya. Walang kakalma kahit Semana Santa!”

Nilagyan ni Vice ng caption ang naturang post ng, “Bwak bwak bwak bwak!!!”

Hindi niya direktang pinangalanan ang pinatatamaan ngunit hula ng mga netizen ay para kay Cristy ito. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on