WebClick Tracer

Garin: Kaso ng liver cancer sisirit dahil konti nagpabakuna kontra Hepa B

Posible umanong dumami ang mga kaso ng hepatocellular carcinoma o liver cancer sa 2042 dahil kokonting bata ang nakapagpabakuna laban sa Hepatitis B noong nakaraang administrasyon.

Ayon kay dating Health Secretary at incumbent Iloilo Rep. Janette Garin ang bakuna laban sa Hepa B ang isa sa mga naapektuhan sa ginawang pagpapakalat ng maling impormasyon laban sa bakuna laban sa dengue noong Duterte administration.

“Kasama doon sa bumagsak ay ang vaccination ng Hepatitis B, kasi kasama iyan doon sa mga bakuna na ibinibigay ng gobyerno. Ano ang consequence nito? Doon sa mga batang hindi nabakunahan at nahawa ng Hepatitis B kasi marami naman ang may Hepa ngayon, 25 years, when they reach, let’s see pagdating ng 2042 to 2045 ay posibleng magkaroon ng maraming Liver Cancer, Hepatocellular Carcinoma sa Pilipinas dahil sa mga unvaccinated children against Hepa,” sabi ni Garin.

Ang pagdami ng mga kaso ng may liver cancer ay katulad umano ng pagdami ng kaso ng pertussis na napigilan sana kung nabakunahan ang mas maraming bata noong nakaraang administrasyon.

“So itong pertussis is nangyayari ito dahil maraming hindi nagpabakuna (during the previous administration),” dagdag pa ng lady solon.

Mula sa 98% vaccination rate noong Aquino administration ay bumagsak umano ito sa 30-32% noong Duterte administration.

Sinabi ni Garin na maraming magulang ang ayaw na pabakunahan ang kanilang mga anak, kahit na libre itong ibinibigay ng gobyerno, dahil sa pangamba na naidulot ng kumalat na maling impormasyon laban sa Dengvaxia dengue vaccine. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on