WebClick Tracer

‘Drug war’ tinabla ng bagong PNP chief

Para sa bagong upong hepe ng Philippine National Police (PNP), hindi kailangang magdeklara ng drug war sa bansa.

“Hindi lang po ako ang Chief PNP na nagsabi niyan. Lahat po kami iyan po ang trabaho namin. There is no need for us to declare a drug war,” wika ni PNP chief Rommel Francisco Marbil sa isang press briefing nitong Martes.

Ang pinakapokus daw nila ay kung paanong maibaba ang krimen sa bansa kabilang na roon ang magkaroon ng komunidad na malinis sa iligal na droga.

“Wala po kaming giyera dito… It’s more of talaga kung paano natin ibaba ‘yung crimes natin based doon sa mga parameters natin.

“I don’t want to say na may drug war. It connotes parang giyera na naman kami. Ito lang talaga ‘yung requirement. Ito dapat ‘yung ma-solve mo. We go for 100% drugless community,” saad niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on