WebClick Tracer

DOH sa kababaihan: Magsuot ng cotton panties

Mas mainam umanong magsuot ng cotton underwear ang kababaihan sa gitna ng nararanasang matinding init sa bansa para maiwasan na magkaroon ng fungal infection, ayon sa Department of Health (DOH).

Ginawa ng DOH ang payo matapos hikayatin ni Iloilo Representative Janette Garin ang mga kababaihan na huwag magsuot ng panty kung nasa bahay lang naman ang mga ito.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na may basehan naman ang payo ni Garin dahil nagkakaroon ng fungal infection tulad ng candidiasis ang private part ng mga kababaihan dahil sa sobrang init.

“Ang advice naman niya ang usually advice for candidiasis. Wear cotton underwear is an option, kung ayaw n’yong mag-commando, mag-cotton underwear. It also does not trap moisture, yung pawis allows for fungal infection to proliferate,” pahayag Herbosa sa tanong ni Senador Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate committee on health.

“Fungi and heat kapag mainit pinagpapawisan, may moisture sa private area of women. It can lead to candidiasis or itchiness sa genital area,” dagdag pa niya.

Kinatigan naman ito ni Health Undersecretary Emmie Chiong dahil ito rin ang ipinapayo ng mga Ob-Gyne (obstetrics and gynecology).

Sa panig naman ni Health Undersecretary Maria Francia Laxamana, hinikayat nito ang mga kababaihan na gumamit ng femininewash para mapigilang magkaroon ng fungal infection. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on