WebClick Tracer

Doc Willie Ong, Duterte nanguna sa Publicus senatorial survey

Nanguna sa listahan ng mga potensiyal na senatorial candidates sina Dr. Willie Ong at dating Pangulong Rodrigo Duterte, base sa resulta ng survey ng Publicus Asia na inilabas nitong Martes, Abril 2.

Isinagawa ang “Pahayag 2024 First Quarter Survey” mula Marso 14 hanggang Marso 18 para sa 2025 midterm elections.

Sa 54 kasama sa listahan, 41 percent ang nakuhang boto ni Ong habang 38 percent si Duterte.

Sumunod sa kanila si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa 37 percent.

Pareho namang nakakuha ng 32 percent sina Senator Bong Go, former senators Vicente Sotto III at Panfilo Lacson. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on