WebClick Tracer

Dahil sa init ng panahon: Malabon SDO naglabas guidelines sa pagkansela ng klase 

Naglabas ng mga alituntunin ang Malabon School Divisions Office (SDO) hinggil sa pagkansela ng mga klase sa taas ng Heat Index na nararanasan.

Nakasaad sa guidelines na inilabas nitong Martes, Abril 2 na maaaring magpatupad ng learning delivery initiatives/cancellation of classes kung naranasan ng Malabon ang mataas na temperatura o tumaas ang antas ng heat index.

Sinabi ng SDO na kung sakaling ang heat index ay umabot sa 42 degrees Celsius o mas mataas, ang mga face-to-face classes ay awtomatikong masususpinde, at ang mga guro ay hindi kinakailangang mag-ulat sa paaralan at lilipat kaagad sa Alternative Delivery Mode of Instructions/ modular learning.

Ang Blended Learning na halo ng face-to-face at online na mga klase ay sisimulan din kapag umabot na sa 41 degrees Celsius ang Heat Index.

Titiyakin din daw ng mga paaralan na ang mga mag-aaral ay nakagrupo batay sa kanilang partikular na antas ng pagkatuto.

Samantala, ang mga regular na in-person na klase ay magpapatuloy ayon sa naka-iskedyul, kapag ang mga antas ng Heat Index na naitala ay nasa 40 degrees Celsius at mas mababa.

Ang mga alituntuning ginawa sa pakikipagtulungan sa mga administrador ng paaralan at mga awtoridad ng lokal na pamahalaan, ay agad na ipapatupad sa mga natukoy na pagkakataon.

Hinikayat din ng pamahalaang lungsod ang mga residente na uminom ng mas maraming tubig, iwasang lumabas ng kanilang mga tahanan kapag tumaas ang temperatura, gayundin ang pag-inom ng softdrinks o inuming may alkohol.

Samantala, ibinahagi rin ng Ospital ng Malabon ang mga tip sa first aid para sa mga taong nakakaranas ng heat stroke.

Kasama sa mga tip ang paglalagay ng malamig na compress sa leeg, kili-kili, at likod ng pasyente, pagtiyak na siya ay nasa isang well-ventilated na lugar na malayo sa matinding init, at paghingi ng tulong sa mga awtoridad.

Siniguro naman ng Malabon City local government unit (LGU) na handa silang tumulong sa mga kababayan lalo na sa mga guro at estudyanteng apektado ng nararanasang tindi ng init.

“Ang Malabon City government, sa pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval ay nakahanda upang siguraduhing nasa maayos na kalagayan ang ating mga kababayan oras man ng bagyo o matinding init.

Sisiguraduhin natin na lahat ng mga kababayan ay matutulungan kung kinakailangan. Ating ipinapatupad ang mga inisyatibong ito upang maiwas ang mga kabataan at mga guro sa anumang kapahamakang dulot ng matinding init,” saad naman ni City Administrator Dr. Alexander Rosete.

TELETABLOID

Follow Abante News on