WebClick Tracer

Abante Horoscope | Abril 3, 2024 Miyerkoles

ARIES

(Marso 21 – Abril 19)

Bigyan pansin ang makapagpapasaya sa`yo. Habaan ang pasensya dahil isang kasamahan mo ang mang-aasar. Lucky number for today: 8

TAURUS

(Abril 20 -Mayo 20)

Ipursigi ang goal sa buhay dahil magtatagumpay ka. Maiiwan ka kung uubusin ang oras at lakas sa walang kwentang bagay. Lucky number for today: 3

GEMINI

(Mayo 21 -Hunyo 21)

Maging bukas sa darating na oportunidad. Gawing produktibo ang araw. Manatili sa safe na lugar at iwasan munang gumala. Lucky number for today: 2

CANCER

(Hunyo 22 -Hulyo 22)

Kumpletuhin ang oras ng tulog para di kapitan agad ng sakit. Makuntento muna sa buhay na mayroon ka at laging magpasalamat. Lucky number for today: 10

LEO

(Hulyo 23 – Agosto 22)

Kontrolin ang sarili sa pangungutang o pag-o-online shopping. Maging masinop sa pera dahil kung hindi’y mamumulubi ka. Lucky number for today: 1

VIRGO

(Agosto 23- Setyembre 23)

Makiramdam at maging sensitibo sa mga tao sa paligid. Bago ang iba, pagbigyan din ang mga sariling pangangailangan. Lucky number for today: 10

LIBRA

(Setyembre 24- Oktubre 23)

Ang pagiging sweet mo at down to earth ang magpapatibay sa iyong pakikipagrelasyon. Manatiling simple. Lucky number for today: 12

SCORPIO

(Oktubre 24 -Nobyembre 22)

Aangat ang iyong career sa iyong pagiging humble at husay sa pakikisama. May isang taong lihim na humahanga sa`yo. Lucky number for today: 7

SAGITTARIUS

(Nobyembre 23 -Disyembre 21)
May balik na karma ang pagiging mapagmataas sa kapwa. Ipagpatuloy ang pagiging mabait. Isang tao ang tutulong sa`yong sumikat. Lucky number for today: 4

CAPRICORN

(Disyembre 22- Enero 19)

Maging alerto sa nangyayari sa kapaligiran. Iwasang mang-bash o mambully dahil iyan ang magpapabagsak sa`yo. Lucky number for today: 9

AQUARIUS

(Enero 20- Pebrero 18)

Wala kang kailangang patunayan sa iba. Iwasang magpadikta. Panindigan kung ano ang inaakalang tama. Lucky number for today: 13

PISCES

(Pebrero 19 – Marso 20)

May makakairingan kang maepal. Wag na siyang patulan pa dahil mas ikaw ang papanigan at pinaniniwalaan ng iba. Lucky number for today: 5

TELETABLOID

Follow Abante News on