WebClick Tracer

44 toneladang basura nahakot ng MMDA noong Holy Week

Aabot sa 44.19 tonelada ng mga basura ang nahakot ng 16 trak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang paglilinis nitong nagdaang Semana Santa.

Sa isang pahayag, sinabi ng MMDA na isinagawa ang clean-up operations sa mga terminal, simbahan, at mga nangungunang kalsada sa Metro Manila.

Idinagdag nito na nagpatuloy ang paglilinis sa mga pangunahing lugar ng MMDA Metroparkways Clearing Group sa kabila ng pagbabalik ng pangkalahatang publiko sa kani-kanilang probinsya sa panahon ng break.

“Tayo sana ay magtulungan sa pagpapanatili ng malinis na lansangan at para maiwasan ang pagbaha sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagtapon sa tama ng ating mga basura,” saad sa naturang pahayag. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on