WebClick Tracer

Hinabol daw kasi mga multo: Lalaki arestado sa pagpasok sa bahay ng kapitbahay

Arestado ang isang lalaki matapos niyang pasukin ang tirahan ng kapitbahay sa Barangay Basak San Nicolas, Cebu City lagpas hatinggabi nitong Lunes, Abril 1.

Kinilala ang suspek na si Luprencio Saba Rana, 38, residente ng Tabada Street, Villa San Antonio ng nabanggit na lugar.

Dinakip si Rana matapos siyang i-report sa pulisya ng may-ari ng bahay na si Lorraine Ligan, 35.

Sa panayam ng SunStar Cebu, ipinaliwanag ni Rana na mabilis siyang umakyat sa bakod at pumasok sa bahay ni Ligan upang ipaalam ang pagpasok ng mga multo roon.

Sinabi pa ni Rana na nakilala niya ang isa sa mga multong pumasok na si “Saddam”.

Dahil dito’y mahaharap si Rana sa kasong trespassing. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on