WebClick Tracer

Agawan ng pasahero: Tricycle driver tinadtad ng saksak ng kapwa tricycle driver

Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 64-anyos na tricycle driver ng kapwa niya trike driver dahil sa pasahero sa Sampaloc, Maynila nitong Lunes, Abril 1.

Kinilala ang suspek na si Alejandro Queqquegan habang ang biktima ay si Cansino Carlito, parehong residente ng Sampaloc.

Ayon sa ulat, bandang 5:15 ng madaling-araw sa Cayco Street corner Alley 1 Street nagtalo ang dalawa na nauwi sa pananaksak sa biktima.

Maraming beses na umanong nagkairingan ang dalawa dahil sa pagsasakay ng pasahero sa isang terminal.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima habang nasa kustodiya na ng Sampaloc Police Station ang suspek na nahaharap sa kasong homicide.

TELETABLOID

Follow Abante News on