WebClick Tracer

Abante Horoscope (APRIL 01, 2024)

Birthday: TIRSO CRUZ III

ARIES

(Marso 21 – Abril 19)

Lawakan pa ang pang-unawa at pagpapasensya sa mga taong pasaway. Magpokus sa mga bagay na magpapasaya sa’yo. Lucky number for today: 5

TAURUS

(Abril 20 -Mayo 20)

Tigilan na ang pagtatampo. Magtiwala sa minamahal dahil makakaasa kang matutupad ang binitawan nilang salita. Lucky number for today: 11

GEMINI

(Mayo 21 -Hunyo 21)

Isang taong makikilala ang magiging sagot sa iyong problema. Masusulot ito ng iba kung hindi aayusin ang pakikitungo sa kanya. Lucky number for today: 7

CANCER

(Hunyo 22 -Hulyo 22)

May magandang kapalit ang iyong mga pagkakawanggawa. Wag magsasawang maging mapagmalasakit sa kapwa. Lucky number for today: 3

LEO

(Hulyo 23 – Agosto 22)

Mahirap magpadalus-dalos mag-isa sa pagdedesisyon. Bago ituloy ang balak, tiyaking agree ang iyong pamilya. Lucky number for today: 9

VIRGO

(Agosto 23- Setyembre 23)

Mag-ingat dahil isang inaakalang mabuting kaibigan ang nagbabalak na samantalahin ang iyong kahinaan. Lucky number for today: 2

LIBRA

(Setyembre 24- Oktubre 23)

Maging alerto. Wag munang ituloy ang balak kung may pagdududa. Sundin ang kutob upang di mapahamak. Lucky number for today: 6

SCORPIO

(Oktubre 24 -Nobyembre 22)

Maghanap ng legal na makakatuwang at wag magpatangay sa boladas ng taong may pananagutan na sa buhay. Lucky number for today: 4

SAGITTARIUS

(Nobyembre 23 -Disyembre 21)

Ilagay din sa lugar ang pangarap. Tigilan na ang pagpapantasya sa taong alam mong imposibleng patulan ka. Lucky number for today: 8

CAPRICORN

(Disyembre 22- Enero 19)

Ituon ang oras sa makabuluhang bagay. Magkakaroon ng panibagong direksyon ang iyong buhay dahil sa isang makikilala. Lucky number for today: 13

AQUARIUS

(Enero 20- Pebrero 18)

Awat muna sa pagbili sa mga hindi naman importante. Ilagay sa lugar ang paggastos dahil posible kang mabitin sa budget. Lucky number for today: 5

PISCES

(Pebrero 19 – Marso 20)

Wag mahiyang `mangalabit’ sa asawa. Sa mga magdyowang hindi pa kasal, pairalin muna ang kontrol sa sarili para hindi magsisi. Lucky number for today: 1

TELETABLOID

Follow Abante News on