WebClick Tracer

Abante Horoscope | Abril 2, 2024 Martes

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Martes, Abril 2, 2024.

ARIES

(Marso 21 – Abril 19)

Maging competitive pero matuto ring magparaya. Makisama at iwasang maging KJ sa mga mag-iimbita. Lucky number for today: 5

TAURUS

(Abril 20 -Mayo 20)

Mas matututo ka sa mga nagawang pagkakamali kaya wag sisihin ang sarili. Harapin ang problema na may paninindigan. Lucky number for today: 12

GEMINI

(Mayo 21 -Hunyo 21)

Maglaan ng sapat na oras sa pamilya sa kabila ng pagiging busy sa iskedyul. Gawin nang bukal sa kalooban ang task. Lucky number for today: 7

CANCER

(Hunyo 22 -Hulyo 22)

Kakantiyawan ka ng iba. Sakyan mo lang at wag itong ikapikon. Magugustuhan ka nila at magiging sandigan mo pa. Lucky number for today: 11

LEO

(Hulyo 23 – Agosto 22)

Maging sigurista. Mag-ingat sa mga pinipirmahang dokumento. Ipagpabukas na lang ang lakad kung may pag-aalinlangan. Lucky number for today: 6

VIRGO

(Agosto 23- Setyembre 23)

Panindigan ang bawat kataga. Tuparin ang anumang ipinangako upang hindi masira ang kanilang pagtitiwala. Lucky number for today: 1

LIBRA

(Setyembre 24- Oktubre 23)

Aasenso ka kung uunahin ang mga pangunahing pangangailangan at awat muna sa pagbili sa mga hindi naman importante. Lucky number for today: 9

SCORPIO

(Oktubre 24 -Nobyembre 22)

May mga taong naiinggit sa’yo. Manatiling mapagpakumbaba para gawin ka nilang mabuting halimbawa. Lucky number for today: 4

SAGITTARIUS

(Nobyembre 23 -Disyembre 21)
Gawin ang inaakala mong tama at makapagpapasaya sa`yo. Mag-ingat at wag basta magtiwala sa taong di pa lubusang kakilala. Lucky number for today: 2

CAPRICORN

(Disyembre 22- Enero 19)

Magpakasinop. Ilagay sa lugar ang paggastos. Itabi ang sobra. Magagamit mo iyang puhunan sa iyong pagkakakitaan. Lucky number for today: 6

AQUARIUS

(Enero 20- Pebrero 18)

Tulungan ang isang kaibigang nangangailangan. May matatanggap kang magandang kapalit sa`yong pagsagip. Lucky number for today: 10

PISCES

(Pebrero 19 – Marso 20)

Masusulot ng iba ang magandang nakalaan sa`yo kung hindi kikilos. Gawin na ang kayang gawin at wag nang ipagpabukas pa. Lucky number for today: 17

TELETABLOID

Follow Abante News on