WebClick Tracer

Leren Mae super proud sa unang PBA All-Star Game ni Ricci Rivero

Flinex ni Leren Mae Bautista ang first PBA All-Star Game ng kanyang “love” na si Ricci Rivero.

Sa kanyang Instagram, in-upload ng beauty queen-turned-councillor ang ilang clip at picture ni Ricci sa nasabing event.

Saad niya, si Ricci ang nag-iisang rookie na sumabak sa All-Star Game kaya naman super proud siya rito.

Kabilang si Ricci sa Team Mark Barroca na nakalaban ng Team Japeth Aguilar sa 2024 PBA All-Star weekend showdown last Sunday, March 24 sa University of St. La Salle sa Bacolod, kung saan tabla ang naging resulta ng game.

“Congratulations on your first PBA All Star Game my love @ricciiirivero,” sey ni Leren.

“You being the only rookie who played during the All Star Game was something else! We are so proud of you. From your Nanay, Tita and Ante all in one,” dagdag pa niya.

TELETABLOID

Follow Abante News on