WebClick Tracer

Kahit malapit na manganak: Maja Salvador litaw pa rin kaseksihan

Awra kung awra pa rin ang aktres na si Maja Salvador kahit pa man malapit nang lumabas ang kanyang unang anak.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Maja ng mga larawan na kung saan naka two piece swimsuit siyang kulay pula at maging larawan kasama ang kanyang asawa.

“Amangiri Dump” maikling caption ni Maja.

Napa-wow naman ang mga netizen sa ibinidang ito ni Maja.

“sexy momma 🔥”

“Grabe naman ang buntis 😍”

“Most beautiful Queen Maja😍😍”

“gandang buntis!! love you 🤍”

“Hot momma 🥵🤍”

Matatandaan na Disyembre noong nakaraang taon nang ibunyag ni Maja na siya ay buntis sa unang anak nila ng asawang si Rambo Nuñez.

TELETABLOID

Follow Abante News on