WebClick Tracer

Tricycle driver dedo sa pamamaril sa Quezon

Isang 50 taong gulang na tricycle driver ang binaril at napatay noong Good Friday sa bayan ng Sariaya sa lalawigan ng Quezon.

Sinabi ng Quezon police na minamaneho ni Michael Alcala ang kaniyang tricycle sa Brgy. Canda nang sumulpot ang isang motorcycle rider at paulit-ulit siyang pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis naman na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril habang dinala ang biktima sa isang ospital sa Tayabas City kung saan ito binawian ng buhay.

Samantala, sinabi naman ng pulisya na walang criminal record ang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa pamamaril. Naglunsad din ng manhunt operation ang pulisya para arestuhin ang killer.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on