WebClick Tracer

Abante Horoscope | March 31, 2024 Sabado

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Sabado, March 31, 2024.

ARIES

(Marso 21 – Abril 19)

Gawing produktibo ang araw at wag ubusin ang oras at lakas sa walang kwentang bagay. Ipursige ang goal sa buhay. Lucky number for today: 8

TAURUS

(Abril 20 -Mayo 20)

I-postpone muna ang anumang plano. Hindi pa magiging maganda ang resulta nito kung ipu-push na agad ito. Lucky number for today: 6

GEMINI

(Mayo 21 -Hunyo 21)

Makabubuting manatili muna ngayon sa bahay. Umiwas muna sa anumang pagkakagastusan para hindi mapurdoy. Lucky number for today: 2

CANCER

(Hunyo 22 -Hulyo 22)

May matatanggap na magandang sorpresa. Maging kuntento sa anumang meron ka at huwag kainggitan ang iba. Lucky number for today: 10

LEO

(Hulyo 23 – Agosto 22)

Isipin muna kung tama ang bibitawang salita para di maboldyak. Matutong makiramdam at rumespeto sa opinyon ng iba. Lucky number for today: 3

VIRGO

(Agosto 23- Setyembre 23)

Iwasang patulan ang mga pasaway. Bantayan ang sarili sa mga mood swings. Maging bukas sa mga darating na oportunidad. Lucky number for today: 20

LIBRA

(Setyembre 24- Oktubre 23)

Hinay-hinay lang sa pananalita dahil may mapipikon sa `yo kung magiging taklesa. Magparaya kung kinakailangan. Lucky number for today: 4

SCORPIO

(Oktubre 24 -Nobyembre 22)

Harapin ang problema. Maging positibo sa araw-araw dahil kung ano ang iisipin at sasabihin mo ay puwedeng magkatotoo. Lucky number for today: 1

SAGITTARIUS

(Nobyembre 23 -Disyembre 21)

Utak at hindi puso ang kailangan mo ngayong pairalin. Pokus lang para matapos ang gawain nang matiwasay. Lucky number for today: 8

CAPRICORN

(Disyembre 22- Enero 19)

Mag-ingat sa mga pinipirmahang dokumento para hindi ma-scam. Ipagpaliban muna ang pakikipag-deal kung diskumpiyado. Lucky number for today: 5

AQUARIUS

(Enero 20- Pebrero 18)

Dedma ka lang sa pangangantiyaw ng iba o sa taong manunutil sa`yo. Sundin ang kutob. Kung may pagdududa, awat muna. Lucky number for today: 7

PISCES

(Pebrero 19 – Marso 20)

Unti-unti nang magiging malinaw ang mga gumugulo sa isipan. Manindigan. Huwag magpadikta o magpakontrol sa iba. Lucky number for today: 14

TELETABLOID

Follow Abante News on