WebClick Tracer

Marc Pingris inintrigang may kabit na sexy actress

Sentro ng usapan ngayon sa social media ang dating PBA star na si Marc Pingris na umano’y may other woman daw.

Sa isang Reddit thread, binahagi ang isang comment sa Instagram post ang sexy actress na si Kim Rodriguez.

Sa naturang comment, inakusahan ang aktres na nakita daw kasama si Pingris sa mga rides.

Isa pa sa lalong nagpahinala sa mga netizen ay ang Instagram story ngayon ni Kim habang nasa Australia.

May larawan na pinost noon si Pingris kung saan pareho ang lugar sa IG story ng aktres.

Kung titingnan ang YouTube channel ni Pingris, may isang video kung saan nabanggit niya sa caption si Kim noong magkaroon sila ng basketball game sa Montalban.

“Maraming salamat sa mga kabsat namin sa Montalban sa masayang game. Salamat din kay Mayor at sa special guest namin na si Kim Rodriguez,” ayon sa caption ni Pingris sa kanyang video na in-upload noon pang February 23, 2023

Tuloy, napaisip ang mga netizen kung nagtataksil ba umano si Pingris sa kanyang misis na si Danica Sotto.

Binalikan din ng ilang netizen ang post noon ni Danica noong nakaraang taon tungkol sa betrayal.

“Trust is earned, respect is given, and loyalty is demonstrated. Betrayal of any of those is to lose all three,” saad sa ni-repost noon ni Danica.

Wala pa namang pahayag sina Pingris at Rodriguez hinggil sa alegasyon na kumakalat sa social media.

TELETABLOID

Follow Abante News on