WebClick Tracer

Cast ng ‘Hello, Love, Goodbye’ present sa birthday ni Kathryn Bernardo

Nagsama-sama ang cast ng “Hello, Love, Goodbye” para ipagdiwang ang ika-28 kaarawan ng aktres na si Kathryn Bernardo.

Sa Instagram post ni Lovely Abella, nagbahagi siya ng larawan ng buong cast na may caption, “My Ga namin!! Happy birthday we love you so much!! @bernardokath”

Kabilang sa mga nasa larawan sina Alden Richards, Maymay Entrata, Kakai Bautista sa mga nag-celebrate kasama ang aktres sa kanyang yacht party sa Isla Amara, isang beach resort na co-own niya kay Piolo Pascual na matatagpuan sa El Nido, Palawan.

Ang iba pang celebrities na dumalo sa birthday ni Kath ay sina Joshua Garcia, Jericho Rosales, at Dominic Roque.

Ipinagdiriwang ni Kath ang kanyang ika-28 kaarawan bilang unang Filipino ambassador ng French luxury perfumes at cosmetic house na Lancôme.

Pasimple rin siyang binati ni Daniel Padilla, ang dating boyfriend ni Kath na 11 years old na sa kanyang espesyal na araw. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on