WebClick Tracer

Kahit winalis noontime show: Paolo Contis masaya sa paglipat ng ‘It’s Showtime’ sa GMA

Hindi raw bitter ang aktor na si Paolo Contis kahit pa man pinalitan na ng noontime show na “It’s Showtime” ang kanilang natsuging “Tahanang Pinakamasaya.”

Sa panayam kay Paolo ng GMA News nitong Lunes, Marso 25, naitanong kay Paolo kung open ba siyang makatrabaho ang mga host ng “It’s Showtime.”

“Oo, work is work,” mabilis na sagot ni Paolo.

Nakatrabaho niya rin naman daw ang iba rito kayaga ni Ogie Alcasid na ilang taon din niyang nakasama sa “Bubble Gang.”

“And I’m very happy na mayroon silang lugar,” saad pa ni Paolo.

Sa April 6 na ipalalabas ang It’s Showtime sa GMA Network na kaparehong timeslot ng winalis na “Tahanang Pinakamasaya.”

Matatandaan noong Marso 20 nang selyuhan na ng dalawang network ang kontrata na kung saan masaya silang ibinahagi na may bago nang tahanan ang naturang noontime show. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on