WebClick Tracer

QCPD handa na para sa Holy Week

Naghanda na ng security plan ang Quezon City Police District (QCPD) upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at bisita sa Holy Week.

Makikipag-ugnayan din ang QCPD sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP) at lokal na pamahalaan ng Quezon City para sa deployment ng karagdagang tauhan.

Paiigtingin din ang checkpoint operations upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng commuters.

Binigyang-diin naman ni QCPD chief Brig. Gen. Redrico Maranan na dapat manatiling mapagmatyag at kooperatiba ang publiko ngayong bakasyon.

Ayon sa pulisya, inaasahan nila ang malaking bilang ng mga biyahero at turista sa nasabing panahon.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on