WebClick Tracer

Rochelle Pangilinan tinuruan sumayaw spaghetti si Sarah Geronimo

Aliw na aliw ang singer-actress na si Sarah Geronimo na makiindak sa spaghetti song kasama ang Sexbomb member na si Rochelle Pangilinan.

Sa Instagram ni Rochelle, ibinahagi niya ang video na kuha ng asawa niyang si Arthur Solinap na kung saan nagsasayaw sila ni Sarah.

“Spaghetti muna with Sarah G.! 🤭” saad sa caption ni Rochelle.

Sinabayan pa sila ng chikiting ni Rochelle sa pagsayaw.

Napa-comment tuloy ang mga netizen.

“This is sooooo cool! 🙌 parehas na reyna sa kanya kanyang larangan! Grabeeeeee!”

“Wow nag sama mga Lodi ko 😍🔥❤️”

“My two idols in one frame. 🥹😍”

“hooooyyyyyyy teka sandallleeeee ❤❤”

“Taas Ng energy ni sars😂😍😍😍”

Nagkita ang dalawa sa concert ng American singer na si Janet Jackson na “Together Again” na ginanap sa Araneta Coliseum. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on