WebClick Tracer

Dennis Padilla idinaan sa socmed pagbati sa kaarawan ni Julia Barretto

Muli na namang ipinadaan sa social media ng aktor na si Dennis Padilla ang pagbati sa kaarawan ng anak na si Julia Barretto.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Dennis ng larawan nila ng anak na si Julia.

Sa isang larawan pa, nag-effort pa si Dennis na gumawa ng letter sa papel para sa 27th birthday ni Julia.

“Dearest Juy, Happy Bday anak!!! Godbless you more!! Miss you anak!! Love, Papa,” saad ni Dennis sa papel.

Saad naman niya sa kanyang caption, “Dear Juy… Happy birthday anak… God bless you more!! Love you – Papa 🙏🎂❤️”

Matatandaan na matagal nang hindi nagkikita si Dennis at mga anak nito kay Marjorie Barretto kaya naman todo papansin siya sa social media para maiparating ang mensahe sa mga anak.

Bukas Marso 10 ipagdiriwang ni Julia Barretto ang kanyang 27th birthday. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on