WebClick Tracer

Yassi Pressman kay Luigi Villafuerte: ‘You are the water of my life’

Todo flex ang aktres na si Yassi Pressman sa kanyang boyfriend na si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Yassi ng isang video na kung saan nasa beach sila ni Luigi at masayang sumisisid at nagkukwentuhan.

“You are the water of my life @vincenzo.luigi & I miss you all the time,” saad ni Yassi sa kanyang caption.

Opisyal na isinapubliko ni Yassi ang relasyon nila ni Luigi noong Pebrero nang magbahagi siya ng isang video kung saan sila naghahalikan.

Noong 2023, sinabi ni Yassi na mas nakikilala nila ni Luigi ang isa’t isa at mas madalas silang magkasama. Binuksan nila ang 2024 sa isang trip sa Vietnam.

Kamakailan lamang ay sinabi niya na si Luigi ang nagpapasaya sa kanya at nagulat nang bigyan siya ng isang shoutout sa isang talumpati. Nagawa rin ni Yassi na bisitahin ang bayan ni Luigi sa Camarines Sur at gumugol ng oras sa mga lokal. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on