WebClick Tracer

Walang trabaho sa Pilipinas pumalo sa 9.4M

Tumaas sa 9.4 milyon noong Disyembre 2023 ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho.

Mula ito sa 7.9 milyong jobless noong Setyembre 2023, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Isinagawa ang survey nationwide mula Disyembre 8 hanggang Disyembre 11, 2023.

Ang 9.4 milyong unemployed ay kumakatawan sa 19.5% ng adult labor force.

Ayon sa SWS, ang adult labor force ay 18-anyos pataas na kasalukuyang may trabaho at iyong mga naghahanap pa ng trabaho.

Dagdag pa nito, ang mga jobless ay binubuo ng mga kusang nag-resign, first-time naghahanap ng trabaho at nawalan ng trabaho dahil sa hindi nila kontroladong economic circumstances. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on