WebClick Tracer

Programang ‘Libreng Sakay’ ng OVP, malaking tulong sa mga pasahero

Ang Office of the Vice President (OVP) ay nagsilbi na sa mahigit isang milyong Pilipino sa pamamagitan ng ‘Peak Hours Augmentation Bus Service (PHABS) – Libreng Sakay’ program.

Mula noong 2022, pitong bus, isa sa Bacolod, Cebu at Davao at apat sa Metro Manila, ang nag-aalok ng mga serbisyo.

Ang Libreng Sakay program sa Metro Manila, Cebu City, Lapu-Lapu, Mandaue, Bacolod at Davao City ay naglalayong makatulong na maibsan ang mobility concerns ng libo-libong Filipino commuters na naninirahan sa mga pangunahing lungsod ng bansa.

Nakapagsilbi na ito sa 1,003,968 na Pilipino, 663,629 sa Metro Manila, 137,455 sa Cebu, 123,058 sa Bacolod at 79,455 sa Davao. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on