WebClick Tracer

Presyo ng galunggong bumaba

Bumaba ng P50 hanggang P60 kada kilo ang retail price ng galunggong sa mga pamilihan sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources spokesperson Nazario Briguera na mas mura na ang isda sa mga pamilihan dahil sa masaganang huli ng mga mangingisda sa bansa.

Base sa price monitoring ng Department of Agriculture noong Marso 1, ang lokal na galunggong ay itinitinda ng P200 hanggang P320 kada kilo sa mga pamilihan ng NCR.

Ang imported na galunggong naman ay mas mura dahil ibinebenta ito sa halagang P180 hanggang P260. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on