WebClick Tracer

Romualdez: Suplay ng bigas pakay ni PBBM sa Cambodian Prime Minister 

Dagdag na suplay ng bigas para sa Pilipinas ang pakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pakikipagkita nito kay Cambodian Prime Minister Hun Manet sa Australia, ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ayon kay Romualdez, kasama ni Marcos sa pagbisita nito sa Australia, napag-usapan ng dalawang lider ang pagpapalakas ng kalakalan at pagpapalakas ng ekonomiya ng dalawang bansa na nakatuon sa kalakalan ng bigas at turismo.

“By diversifying our sources of rice importation and strengthening partnerships with fellow ASEAN member states like Cambodia, we can mitigate the adverse effects of external factors such as climate change-induced phenomena like El Niño,” sabi ni Romualdez.

“While we are making significant strides towards achieving rice self-sufficiency, prudence dictates that we should provide contingency measures to ensure people would have adequate rice supply at the best possible price if our local production falls short of expectation,” dagdag pa nito.

Bagamat sinabi ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng bigas sa kabila ng El Niño, sinabi ni Romualdez na inaasahan na mataas ang presyo nito dahil sa pagtaas ng demand.

“Cambodia has long been recognized for its expertise in rice cultivation and production, and its willingness to support the Philippines in addressing its rice supply concerns is deeply appreciated,” sabi pa ng lider ng Kamara.

“Moving forward, we fully support President Marcos Jr.’s initiative to work closely with Cambodia and other ASEAN allies to ensure a stable and resilient food supply chain,” dagdag pa ni Romualdez.

Matatandaan na kasama rin ni Marcos si Romualdez ng maka-bilateral meeting nito si Manet sa sideline ng 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Indonesia noong Setyembre 2023.

Sa pagpupulong na ito nabuksan ang posibilidad na kumuha ng suplay ng bigas ang Pilipinas sa Cambodia at palakasin ang commercial aviation sa pagitan ng dalawang bansa.

TELETABLOID

Follow Abante News on