WebClick Tracer

PCG nagpadala na ng barko sa Batanes, Philippine Rise

Nagpadala na ng isang barko ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Batanes at Philippine Rise nitong Lunes, Marso 4.

Babantayan ng BRP Gabriela Silang ang dalawang lugar sa loob ng dalawang linggo, ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan.

Magmamatyag din ang PCG sa mga mangingisdang Pinoy sa mga nasabing lugar.

Matatandaan na naiulat kamakailan na may dalawang Chinese research vessel ang nagtungo sa Philippine Rise sa hindi pa tukoy na dahilan.

Kaya naman sinabi ni PCG spokesperson Armando Balilo na titingnan din nila ang naturang insidente.

“We will also check the reported Chinese research vessels in Benham Rise,” ani Balilo.

Naka-standby din ang air assets ng Coast Guard Aviation Force upang magkaroon ng aerial surveillance sa karagatang bahagi ng Pilipinas. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on