WebClick Tracer

Pamilya ni Jaclyn Jose: ‘Walang foul play’ sa pagkamatay ng beteranang aktres

Kumbinsido ang pamilya ng batikang aktres na si Jaclyn Jose o Mary Jane Santa Ana Guck sa totoong buhay na walang anumang foul play sa pagpanaw nito.

Sinabi ito ni Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO) Chief Col. Jean Fajardo.

Saad ni Fajardo na tumanggi na ang pamilya ng aktres na pag-usapan pa ang detalye ng pagkamatay ni Jaclyn.

Nagparating naman ng pakikiramay ang PNP sa pamilya ng aktres.

Pumanaw ang batikang aktres nitong Marso 2 sa edad na 59.

Matatandaan na si Jaclyn ang kauna-unahang Southeast Asian na nanalo ng award sa Cannes Film Festival.

Huling gumanap sa telebisyon si Jaclyn sa seryeng “FPJ Batang Quiapo.”

TELETABLOID

Follow Abante News on