WebClick Tracer

Pakana ni Dominic o Daniel? ‘Wag na tayo mag-break’ billboard pinagpiyestahan

Hot topic ng mga Marites ngayon ang isang billboard kung saan mababasa ang isang pakiusap na “‘Wag na tayo mag-break, please”.

Sa dulo ay makikita ang mga salitang “Love, D”.

Ibinahagi ng netizen na si Gifer Fernandez ang video na ito sa social media.

Ayon sa kanya, matatagpuan ang trending billboard sa Eastwood City.

Naghinala naman ang mga netizen na si Dominic Roque o Daniel Padilla ang may gawa nito.

Pareho kasing galing sa recent breakup ang dalawa, at may initial na “D”. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on