WebClick Tracer

Pagtambay ng 2 barko ng China sa PH Rise pinalagan

Mariing kinondena ng mga mambabatas ang panghihimasok ng China sa Philippine Rise na nasa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ito’y kasunod ng ulat ng isang American maritime expert na may dalawang Chinese research vessel ang nagtungo sa lugar.

Hindi raw dapat palampasin ang nasabing insidente at dapat igiit ng Pilipinas ang karapatan nito sa nasabing lugar, ayon kina Albay Rep. Joey Salceda at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro.

Matatandaan na kinilala ang dalawang Chinese research vessels na Haiyang Dizhi Liuhao at Haiyang Dizhi Liuhao. Namataan ang mga itong tumambay sa lugar noong Marso 1.

“The West Philippine Sea might be a condominium among our neighbors. But China has absolutely no place in the Benham Rise. That’s exclusively ours. They’re intruders — pure and simple,” saad ni Salceda.

Dagdag pa niya, “Secretary Teodoro is taking the correct approach of boosting our technological capabilities in both aerial and maritime patrolling and defense. Moving forward, what we must do is not merely patrol but enforce our rights in the area,”

Ani naman ni Castro na dapat aksyunan kaagad ang insidente. Tutukan din daw at nararapat na bantayan ng pamahalaan.

Dagdag pa niya na dapat ang isyung ito ang tutukan hindi ang pag-amyenda ng Konstitusyon.

“The Marcos government should concentrate more on these incursions and stop wasting time on charter change that could even make strategic parts of our resources owned by China or other foreign powers,” saad ni Castro.

Giniit pa ni Castro, “While Chinese maritime intrusions are often observed in the disputed South China Sea, the presence of Chinese vessels in the northeastern part of the Philippines is a clear violation of our sovereignty. The objective of these vessels is yet to be verified, and it is crucial for the Philippine authorities to conduct a thorough investigation into their activities,”

Matatandaan na ang Philippine Rise ay ideneklara ilang protected food supply exclusive zone na itinuturing na resource-rich area ng bansa. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on