WebClick Tracer

Pagsingit ng political amendment sa Cha-cha, ‘political suicide’ – Bataan cong 

Naniniwala si Bataan Rep. Geraldine Roman na isang political suicide ang pagsusulong na amyendahan ang political provision ng 1987 Constitution kasabay ng kasalukuyang itinutulak na pagbabago sa economic provisions.

Kasabay nito ay nagpahayag din ng pagkadismaya si Roman sa “irrational fear” g mga senador na mayroong pailalim na plano ang Kamara at biglang isisingit ang political reforms.

“Paulit-ulit naman po naming pinapangako sa ating mga kaibigan sa Senado na talagang what you see is what you get. We have RBH 7 at ito po ay purely economic provisions,” sabi ni Roman na ang tinutukoy ay ang Resolution of Both Houses 7 ng Kamara na naglalayong amyendahan ang economic provisions ng Konstitusyon.

“Well, from a political point of view, it will be political suicide for any politician na magsisingit pa siya ng mga political amendments. I mean no politician in his right mind would actually try or even attempt to introduce political amendments when for the longest time we have been assuring our friends in the Senate na we are only interested in amending the economic provisions,” sabi ni Roman.

Iginiit din ni Roman na maging sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay nagsabi na ang aamyendahan lamang ay ang economic provisions.

“So trust us, trust us. And you know what? It’s not good to operate on the basis of irrational fears eh,” sabi pa nito.

“Walang mangyayari kung ganyan din ang naging mentalidad nung panahon na ipinaglalaban ng kababaihan ang karapatang bumoto, ay nakakatakot kasi baka naman ‘yong mga babae medyo subject to their mood swings, baka hindi makapili ng tamang maglilingkod sa ating bayan.”

“Kung ganyan ang pinaiiral nating mga fears, siguro hanggang ngayon hindi pa bumoboto ‘yong mga kababaihan, di po ba? Just to put on some sort of parallelisms, what we really need is to be rational, to be professional about it, and be efficient,” dagdag pa ni Roman.

TELETABLOID

Follow Abante News on