WebClick Tracer

Pagpapalakas sa kalakalan ng bigas tampok sa pulong ni PBBM, Cambodian Prime Minister

Nagkasundo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Hun Manet na mas lalo pang palakasin ang kalakalan sa bigas sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia.

Ayon sa Presidential Communications Office, ito ang isa sa naging tampok sa bilateral meeting ng dalawang lider sa sidelines ng ginaganap na 50th ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne.

Napag-usapan ng Pangulo at ni Prime Minister Manet ang isyu sa double taxation at mas pagpapahusay pa sa proseso ng pagnenegosyo.

Natalakay rin ng dalawang lider ang plano para palawakin ang flight connections para mas mapahusay pa ang accessibility sa mga tourism destinations sa Pilipinas at sa Cambodia.

Kasama rin sa mga pinag-usapan sa bilateral meeting ang pagpapaigting sa ugnayan sa depensa upang matugunan ang mga problema sa isyung panseguridad ng dalawang bansa. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on